Transparency ngayong halalan, tiniyak ng COMELEC

Siniguro ng Commisison on Elections na magiging transparent at walang anomalya ang halalan sa Mayo a-nueve.

Isang linggo bago ang araw ng eleksyon, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ginawa nila ang lahat ng mga hakbang para masigurong transparent at bukas sa publiko ang lahat ng mga steps sa pagbibilang ng boto at sa canvassing.

Ito rin aniya ang unang pagkakataon kung saan at inimprove nila ang lahat ng mga technical aspect ng halalan sa pakikipagtulungan ng DICT.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Maliban pa rito, ila-live steram din umano ang mga servers nang sa gayon ay makikita ng publiko kung sino ang lalabas at papasok sa pasilidad na ito.

Muli ring tiniyak ng COMELEC na hindi na mauulit pa ang aberya noong 2019 midterm elections kung saan ay umabot ng pitong oras ang glitch dahil sa biglaang dagsa ng data mula sa mga polling precints.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa huli, muling nanawagan si Garcia sa mga botante na bumoto, at pumili ng lider na sa tingin nila ay nararapat na Pangulo para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Aniya, nasa kamay nating mga botante ang kapalaran ng magiging hinaharap ng mga susunod na henerasyon.
#