PNP tatalima sa magiging desisyon ni PRRD sa usapin ng e-sabong

Tiniyak ng Philippine National Police na tatalima ito sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kapalaran ng online sabong.

Sa press conference sa Camp Crame sinabi ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na anuman ang magiging kautusan ng Pangulo sa usapin ng e-sabong ay siguradong pinag-aralan at ibinase sa rekomendasyon mula sa iba’t-ibang grupo.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Samantala, inihayag ni Carlos na patuloy pa rin ang paghahanap ng mga otoridad sa mga nawawalang mga sabungero.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Katulad ni Pangulong Duterte, sinabi ng PNP chief na umaasa din sila na ligtas at makakabalik sa kanilang mga pamilya ang mga nawawalang indibidwal.
#