Pag-kambyo ni Ragos, malaki ang epekto sa kaso ni de Lima – counsel

Naniniwala ang kampo ni Senadora Leila de Lima na malaki ang magiging implikasyon ng pag-kambyo ng isa pang witness sa mga isinampang kaso laban sa mambabatas.

Ito ay makaraang maghain ng counter-affidavit ang dating deputy director for intelligence ng NBI, at nagsilbing Bureau of Corrections OIC na si Rafel Ragos.

Sa ilalim nito, binawi niya ang una niyang testimonya na ‘di umano’y personal niyang ibinigay ang P5Million na baad kay Ronnie Dayan, dating driver-bodyguard ng Senadora.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Ayon kay Ragos, nakipagkita umano sa kanya si dating Justice Secretary Vitallano Aguirre noong 2016 at pinilit ito para tumestigo laban kay de Lima.

Sa isang panayam, sinabi ng tagapagsalita ni de Lima na si Atty. Dino de Leon na hindi limitado sa isang kaso ang epekto ng hakbang ni Ragos.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Matapos kasi ang pag-kambyo ng dating NBI official, maaaari nang kuwestiyonin ang mga unang ruling ng Korte partikular ang findings ng Muntinlupa RTC Branch 205.

Sa ngayon, hinamon ni de Leon ang Department of Justice na muling magsagawa ng reinvestigation sa tinawag nitong ‘greatest frame-up in Philippine history’.

Aniya, dapat ay imbestigahan na rin ng DoJ ang sarili nitong hanay.
#