NAGA CITY – Tanging ang mga trainable person’s with disability lamang ang dapat tutukan at bigyan ng mga training para sa livelihood programs at mga trabaho.
Iyan ang binigyang diin sa Brigada News FM Naga ni Atty. Paul John Barrosa, Department Head ng Persons with Disability Affairs Office, aniya hindi nila maaaring isama sa mga training ang lahat ng PWDs sa lungsod lalo na’t hindi naman lahat kaya pang gumalaw at magtrabaho. Kamakailan lang isinagawa ang training sa 35 PWDs sa lungsod kung saan tinutukan nila ang cookery, food processing at baking.
Malaking tulong ito sa kanila lalo na’t nakaline up ngayon na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Naga ang mga job fair na ilalaan para sa PWDs lamang. Layunin ng ganitong proyekto na hindi lang madagdagan at matulungan ang pamilya ng mga PWD kundi maiangat din ang kanilang kumpiyensa sa sarili na kaya rin nilang gawin ang mga ginagawa ng ibang tao.
Panawagan naman ng opisyal sa pamilya na may inaalagang PWD na walang kakayahan na magtrabaho na nawa’y tanggapin at alagaan nila ang mga ito at huwag sanang iparamdam ang kanilang kakulangan.