Dagdag na water lorry distribution hinihiling sa Naga City

NAGA CITY – Mas lalong nararamdaman ang kakulangan ng supply ng tubig mula sa Metro Naga Water District sa ilang mga barangay at subdivision sa lungsod, dahil sa mga estudyanteng bumalik na rin sa kanilang mga boarding houses sa Naga City ngayong pasukan, ang reklamo ng mga apektado ay direktang ipinaparating sa Brigada News FM Naga.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Paliwanag naman ni Choppy dela Cruz, spokesperson ng MNWD sinabi niyang kahit umuulan na hindi pa rin bumabalik sa dati ang lebel ng water source, katunayan aniya nasa “close to critical level” ang isa sa source na Anayan Spring, bukod pa diyan ang mga illegal connections ng ilang mga consumers.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

May regular water lorry distribution namang nangyayari subalit hindi pa rin sapat para sa mga nangangailangan ,patunay nito ay may mga reklamo pa rin at hangad ng mga ito na dagdagan pa ang supply sa mga lugar  na walang tubig lalo na kung umaga na higit na kailangan ang tubig.