LEGAZPI CITY – Inihayag ng Local Government Unit (LGU) ng Daraga na magkakaroon ng traffic rerouting para sa konstruksyon sa Government and Business Center (BGC).
Pansamantalang isasara ang T. Perez St. kanto ng F. Lotivio St. hanggang sa Pan-Philippine Highway, upang bigyan ng maayos na kalsada na magagamit sa pagpapatayo ng tatlong eskalon na GBC.
Batay sa Executive Order No. 28, ang lahat na sasakyan ay dadaan muna sa T. Perez St. at liliko sa F. Lotivio Street.
Ang mga sasakyang patungo sa Sorsogon at 3rd District ay maaari nang lumiko pakaliwa sa M. H. del Pilar St., at liliko muli sa Alcala St. patungo sa J.P. Rizal St.
Napag-alaman ding humingi na ng permiso ang contractor sa alkalde ng Daraga sa nasabing proyekto na agad namang inaprubahan sa kadahilanan na rin na maiwasan ang mabigat na trapiko sa motorista at pasahero sa nasabing lugar.
Inaasahan na rin ng lokal na pamahalaan na maku-kumpleto ang konstruksyon ng proyekto sa buwan ng Nobyembre.
Nakatakda ring gamitin ang GBC bilang opisina ng mga ahensya tulad ng Commission on Audit, Bureau of Internal Revenue, Commission on Election, Sangguniang Bayan Office and SB Hall, Municipal Social Welfare and Development Office at iba pang tanggapan.