LEGAZPI CITY – Pumalo sa pitumpu’t dalawang porsiyento o katumbas ng humigit-kumulang dalawang libong mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) educational assistance ang itinaas sa buong rehiyon ng Bicol noong Agosto 27.
Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DSWD Bicol na mula Agosto 20 hanggang Agosto 27.
Ang nasabing bilang o porsiyento ay mas mataas kung ikukumpara sa pay-out noong Agosto 20.
Sa nasabibg peryodo, nakapagtala ang rehiyon ng kabuuang bilang na 9,278 na nga benepisyaryo ng programa kung saan nagkakahalagang mahigit 27M ang asistensiyang naipamahagi.
Sa parehong datos, makikitang mahigit isanlibo na ang mga estudyanteng natulungan mula sa mga lalawigan ng Albay at Sorsogon, mahigit dalawanglibo naman sa Camarines Sur at Camarines Norte, habang hindi naman bababa sa pitongraan ang mula sa Catanduanes at Masbate.
Samantala, inaasahan pa ang patuloy na pagdagdag ng mga bilang ng mga benepisyaryo lalo pa’t tumutulong na ang iba’t ibang nga ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.