Traffic enforcers sa bayan ng Mercedes isinailalim sa seminar

CAMARINES NORTE – Isinailalim sa Training at seminar on Public Safety and traffic enforcement ang mga traffic enforcer ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Labing limang traffic enforcer sa ilalim ng Municipal Public Safety Unit (MPSU) ang dumalo sa seminar.

Sila ay mga job order employee ng LGU na katuwang sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko lalo na  sa mga lugar na malapit sa eskwelahan  at sa mga pangunahing lansangan.

Ayon sa Municipal Information Office, layunin ng training/ seminar na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga traffic enforcer sa pagpapatupad ng mga alituntunin at disiplina  na ipinanaiiral kaugnay sa batas trapiko.

Maaari  silang mag isyu ng traffic citation ticket  (TCT) sa mga motoristang may paglabag sa batas trapiko.

Sumentro ang pagtalakay ni Mercedes Police Chief Major Romeo Benito Hugo patungkol sa mga umiiral na ordinansa at behavioral approach and attitude sa kalsada.

Ang mga probisyon naman ng Republic Act 4136 o mas kilala bilang Land Transportation Traffic Code ang tinalakay ng Highway Patrol Group sa pamamagitan ni PCapt. Miguelio  Borromeo, ang Provincial Officer ng naturang police unit. Natalakay din ang tungkol sa Bawal Bastos Law at arresting techniques.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *