SORSOGON CITY- Bukas nang muli para sa lahat ng Sorsoganon ang mga tourist attractions sa bayan ng Gubat Sorsogon kasabay ng pagluwag sa curfew hours sa nasabing lugar nitong weekends.
Sa impormasyong nakalap ng Brigada News sa LGU Gubat Public Information Office, kailangan lamang na magdala ng ID ang mga indibdiwal na tutungo sa mga atraksyon sa lugar upang mabilis na matukoy ang address ng mga ito.
Tanging mga turista na may edad 18 hanggang 65-anyos lamang ang papayagan na makapasok sa mga pook pasyalan at paliguan.
Samantala, lahat ng turista mula sa labas ng lalawigan ng Sorsogon ay dapat na makapag presenta ng Negative RT- PCR Test Result at kinakailangan na sumailalim sa health assessment.
Isa sa maituturing na ‘major tourist’ attractions sa nasabing bayan ay ang Lola Sayong Eco-Surf Camp.
