Coron, Palawan magbubukas ng turismo sa Nobyembre 15, 2021

Magbubukas na ng turismo ang bayan ng Coron, Palawan sa ika-15 ng Nobyembre ngayong taon.

Ayon sa pabatid mula sa Emergency Operations Center (EOC) ng LGU-Coron, sinabi ni Mayor Mario T. Reyes Jr. na ang pagbubukas sa industrya ng turismo sa bayan ng Coron ay matinding kailangan para sa ekonomiya pero dapat na ipatupad at iobserba ang mga protocols para sa kaligtasan ng lahat.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang mga guidelines ay kailangang muling isaayos alinsunod sa Resolution No. 146-A Series of 2021 na may petsang October 28, 2021 para sa bagong quarantine category ng Palawan na General Community Quarantine (GCQ) hanggang November 30, 2021 na ipinatutupad ng National Inter- Agency Task Force (IATF).

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, ang bagong protocols para sa mga fully vaccinated Authorized Person Outside Residence (APOR), Returning Citizens (RC) at Returning Overseas Filipino (ROF) ay inaayos din upang maisapubliko at magiging epektibo rin sa November 15, 2021.