Negative Rapid Antigen Test, requirement sa mga byahero na magmumula sa munisipyo sa Palawan at Puerto Princesa- LGU El Nido

Requirement o kailangan na ang Negative Rapid Antigen Test (RAT) sa mga byahero na magmumula sa iba’t-ibang munisipyo sa Palawan at siyudad ng Puerto Princesa na papasok sa bayan ng El Nido, Palawan.

Ayon sa ulat ng Pamahalaang Bayan ay kasalukuyang nasa General Community Quarantine ang buong Bayan ng El Nido mula October 28 – November 15, 2021.

Ito ay sa bisa ng Joint Resolution No. 93 s. 2021 ng MIMAROPA Regional Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at Regional Task Force against COVID-19.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kasunod ng pag-angat ng community quarantine status sa El Nido, pansamantalang ibabalik ang negative Rapid Antigen Test (RAT) requirement sa mga byahero na magmumula sa iba’t-ibang munisipyo sa Palawan at siyudad ng Puerto Princesa na papasok sa bayan ng El Nido.

Ang negative RAT result ay hahanapin papasok ng El Nido maliban sa:

1. Fully Vaccinated na Authorized Person Outside of Residence na may dalang vaccinated card;

2. Fully Vaccinated na residente umalis ng El Nido at nakabalik din sa El Nido sa loob ng 72-hour window;

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

3. Fully Vaccinated na turista galing ng Palawan;

4. Fully Vaccinated na Van Driver at mga Pahinante nito, kailangan lang magpakita ng Negative RAT result kada pitong (7) araw.

Magsisimula ang implementasyon ng mga bagong guidelines na ito sa November 01, 2021.

Itinaas ang mga covid-19 protocols upang mabawasan ang mataas na kaso ng Active COVID-19 cases sa bayan ng El Nido. Sa loob ng labing-limang araw.