Tourism development planning seminar-workshop sa Sorsogon, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang limang araw na seminar workshop tungkol sa Tourism Development Planning na ginaganap sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO) Sorsogon head Bobby Gigantone, layunin ng nasabing aktibidad na tulungan hindi lamang ang probinsya ng Sorsogon kundi ang iba pang mga probinsya sa rehiyong Bicol na mas mapabuti ang kanilang pang-unawa sa turismo at mas mapagpahusay ang kanilang kapasidad sa nasabing larangan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Tinatalakay sa nasabing seminar workshop na nagsimula noong Lunes at nakatakdang magtapos bukas, ang Basic Tourism Statistics Training, Local Tourism Development Planning, at Tourism Code and Toolkit Orientation.

Mababatid na ang nasabing Capacity Building activity ay hiniling mismo ng Provincial Tourism Office sa Department of Tourism Regional Office 5 bilang tugon sa nais ng mga LGU na matulungan sila sa pagpapabuti ng kanilang pang-unawa at pagpapahusay ng kanilang kapasidad sa turismo bilang antisipasyon sa pagtaas ng interes sa turismo sa Lalawigan at upang gawing powerhouse sa Bicol Region ang turismo ng probinsya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique