Dapat muling pahintulutan ang mga bloggers at vloggers sa pag-cover ng State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, gumagawa ng mas pormal na komunikasyon ang traditional media sa publiko; habang mga bloggers at vloggers naman ay gumagamit ng mas hindi pormal na komunikasyon – dahilan upang mas madaling maintindihan ito ng publiko at ng ordinaryong mga tao.
Paliwanag ni Salo, dahil sa naturang hakbang, ma smagiging accesible, inclusive, at maka-masa ang coverage ng SONA.
Sa kabila niyan, binigyang-diin ng mambabatas na dahil sa taas ng bilang ng mga bloggers at vloggers, kailangang magtakda ng pamahalaan ng criteria kung sino-sino ang magiging accredited na makapag-cover sa SONA.
