Tourism cluster ng Metro Naga Development Council meeting isinagawa para sa patuloy na paghahanda ng bawat komitiba sa mga aktibidad sa paparating na Peñafrancia Fiesta celebration

NAGA CITY – Pinag-usapan sa ginawang Metro Naga Development Council Meeting kahapon ang ilang mga problema sa ginagawang paghahanda sa mga programang gaganapin sa Peñafrancia Fiesta Celebration.

Partikular na dumalo ay ang nasa Tourism Cluster na kinabibilangan ng mga opisyal ng Tourism, Arts and Culture, mga representante ng iba’t –ibang Lokal na Pamahalaan na miyembro ng MNDC ang nasa Peñafrancia Festival Committee Chairman tulad nina City Counsilors Salvador del Castillo, Lito del Rosario,Omar Buenafe at ni City Administrator Elmer Baldemoro.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Naroon din si Miss Bicolandia Execom Member Ms. Eloisa Martirez.

Lahat ay naglatag na ng kanilang mga ginagawang aktibidad para sa paghahanda, pakikipag-ugnayan sa mga concern agencies,personalities tulad sa gagawing taunang Miss Bicolandia.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa mga paaralan na lalahok naman sa military parade na ayon kay Konsehal Buenafe ay halos plansado na.

Inahayag din ni City Administrator Baldemoro, wala silang tigil sa pagkuha ng up-date sa mga ito, kasama ang City Events Protocol and Public Information Office na pinamumunuan naman ni Allen Reodanga.

Pinag-usapan din ang mga problema sa transportasyon, sa accommodations, at sa seguridad.