NAGA CITY – Muling hiningi ng Naga City Police Office ang tulong at koordinasyon ng mga Parking Attendant sa lungsod lalo na ngayong paparating ang Peñafrancia Fiesta.
Sa ginawang Distribution of Chaleco at T-Shirt, bilang bagong uniporme ng higit 40 miyembro na nakatanggap nito, sa pangunguna ng City Tourist Police Unit ng NCPO, na dinaluhan ni City Councilor Omar Buenafe, PCOL Nelson Pacalso, City Director, PTLCOL Dario Sola, Deputy Chief Director for Operations, at ni PMAJ Joseph Enguero, Acting Chief ng City Community and Development Unit, binigyang diin ni PTLCOL Sola, na sila ay mga force multiplier at partners na malaki ang tulong laban sa mga krimen sa lungsod lalo na ngayong paparating ang Peñafrancia Fiesta upang makapagbigay din asistensya sa mga bisitang may sasakyan, motor man o kotse.
Ang mga uniporme ay pagkakakilanlan na rin nila na dapat ring respituhin ng iba. Bilang sila ang nagbabantay ng mga nakaparadang motor o kotse, boluntaryo lamang ang pagbibigay sa kanila at hindi naniningil.
Laking pasasalamat naman ni Maria Lourdes Gamayo, PAAC President, na nabigyan silang muli ng ganitong gamit na makakatulong sa kanila at sa laging pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan ng Naga maging ng NCPO.