Ex-Pres. Duterte, hinamon ni Rep. Castro sa umano’y pangako sa China

Hinamon ng Makabayan bloc si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na magsalita sa isyu hinggil sa umano’y pangako sa Beijing na aalisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, gusto niyang kay dating Pangulong Duterte mismo manggaling na hindi siya ang nangako sa China.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ito’y dahil kinuwestiyon ni Castro kung bakit tahimik lamang ang dating Pangulo tungkol sa isyu lalo’t patuloy pa ring binu-bully ng China ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Aniya, ‘very friendly’ ang dating Pangulo sa Beijing.

Una nang pinabulaanan nina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo at maging si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sila ang nangako sa China na alisin ang pagkasadsad ng barko sa Ayungin Shoal.