Topacio, iginiit na dapat may legal na basehan bago ikulong si Cassandra Ong

Iginiit ng abogado ni Cassandra Ong na si Atty. Ferdinand Topacio na dapat may legal na basehan kapag ang isang indibidwal ay ikukulong.

Ayon kay Topacio, tanging ang arrest warrant mula sa House of Representatives ang inisyu laban kay Cassandra Ong kaya dapat aniyang iturn-over ito sa kustodiya ng Kamara.

Read More:  Malacañang orders agencies to prepare for Undas travel rush

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation sina Guo at Ong.

Samantala, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na kinakailangan munang dumaan sa proseso mula sa law enforcement units at patungo sa Kamara at Senado.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Dagdag pa ni Clavano na ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ng ‘order of arrest’ ang Senado at Kamara nang sabay.