Inabisuhan na ni Atty. Stephen David ang kanyang kliyenteng si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sabihin na ang buong katotohanan.
Ito ay sa gitna ng pagpapatuloy ng pagdinig hinggil sa kanyang pagkatao, sa posibleng koneksyon niya sa POGO, at sa ginawa nitong pagsibat palabas ng Pilipinas.
Ayon kay David, payo niya kay Guo na magsabi na nang totoo, pero kasabay nito ay ipinaalam niya rin umano ang constitutional rights na mayroon ang dating alkalde, kabilang na ang kanyang karapatan laban sa self-incrimination.
Sasabihin aniya ng kanyang kliyente ang lahat, pero problema umano nila na marami itong kinahaharapan na kaso.
Ano man daw kasing sabihin ni Guo ay maaaring gamitin laban sa kanya.
Ani David, dilemma ng kanilang kampo kung ano ang mga maaaring sabihin ni Guo bilang isang resource person habang hindi siya mai-incriminate sa kanyang sarili sa mga criminal cases.