Top 8 sa LET, kinilala ng Pamhalaang Panlalawigan

Binigyan pagkilala ng Pamahalaan Panlalawigan ng Albay ang naging Top 8 October 2022 Licensure Examination For Teachers kanina sa Flag raising ceremony.

Pinangunahan ni 3rd District Bm Josephine Ribaya kasabay ang ilang Board Member ng nasabing Panlalawigan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kinilala itong si Rose Ann Baloloy Payte residente ng Barangay Masarawag bayan ng Guinobatan Albay at nagtapos sa Ligao Community College Si Baloloy ay nakakuha ng 92.80% sa nabanggit na examination para sa Professional Teachers.

Sa naging talumpati ni Payte, sinabi nito na sana ipagpatuloy pa rin ng Lokal na Pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo o tulong sa mga nag aaral ng kolehiyo upang maipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang pag aaral.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sinabi pa ni Ribaya, sanay maging inspiration ng mga Albayano ang naging matagumpay sa pagkakapasa sa examination nitong nagdaang taon.