Hindi bababa sa 17 katao ang namatay sa Peru sa nangyayaring kaguluhan sa bansa dahil sa krisis sa pulitika.

Naganap ang insidente sa southeastern city ng Juliaca sa Puno region.
Ayon sa ulat, mayroon pang 40 o higit pa ang nasugatan sa mga kaguluhan.
Nag ugat ang kaguluhan matapos iprotesta ang pag-aalis ni Pangulong Dina Boluarte, na pumalit matapos mapatalsik at maaresto ang dating pangulo na si Pedro Castillo noong December 7.
Matatandaang Pinatalsik sa impeachment trial si Castillo matapos niyang balakin na buwagin ang Kongreso upang magpatawag ng bagong halalan.//CA