Top 7 most wanted person sa Cagayan, Timbog Arestado ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa lalawigan ng Cagayan na may kasong “Multiple Statutory Rape” kahapon sa Brgy. Centro, Lal-lo, Cagayan.
Kinilala ang dinakip na si alyas Charles, 18, binata, manggagawa, at residente ng Lal-lo, Cagayan. Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib na puwersa Provincial Intelligence Unit, Cagayan PPO (lead unit); Lal-lo Police Station; at Provincial Intelligence Team Cagayan North- Regional Intelligence Unit 2.
Ipinasakamay na si alyas Charles sa Lallo Police Station