PISTON – nanawagan sa MANIBELA na ‘wag na sanang maulit ang umano’y pananakit sa isang reporter

Maging ang grupong PISTON ay kinundena rin ang MANIBELA para sa ‘di umano’y pananakit ng isa nilang miyembro sa isang reporter.

Ayon kay PISTON deputy secretary general Ruben Baylon – hindi raw dapat sinasaktan ang media, dahil ito ay kaalyado nila.

Aniya, dapat ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga manggagawa sa media.

Hindi rin daw dapat sila nilalait dahil kakampi nila ang media para sa paghahatid ng katotohanan.

Apela ni Baylon sa MANIBELA – ‘wag nang maulit ang insidente.

Dapat din umano, lahat ng mga ikakasa nilang pagkilos ay mayroong sapat na koordinasyon.

Ngayong araw – nagkilos-protesta ang PISTON sa tapat ng Korte Suprema.

Ito ay para isigaw na mapagbigyan sila na mag-isyu ang Kataas-taasang Hukuman ng isang termporary restraining order para pigilan ang PUV Modernization Program ng Pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *