Mga regulasyon sa serbisyo ng Meat Delivery Van ng Naga sa mga katabing bayan, hinihintay pa

NAGA CITY – Hinihintay pa ang pinal na regulasyon para sa pagbibigay ng serbisyo ng Meat Delivery Van ng Naga sa mga magkakatabing bayan.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Naga City Abattoir Chief Roberto Acabado. Sa kanyang salaysay, kailangan pa nilang pag-usapan ang patungkol sa presyo ng mga karneng ipapamahagi nila sa bawat bayan dahil nakadepende ito sa layo ng lokasyon. Anya, magsasagawa pa sila ng public hearing kasama ang mga stockholders upang plantsahin ang pinakasistema nito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City
Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Dagdag pa ni Acabado, ito ang naisip nilang paraan nang sa gayon ay mapakinanabangan na ang nasabing van. Hindi anya nagagamit ang van sa mismong merkado ng lungsod dahil masyadong mataas ang sasakyan at hindi makapasok sa vicinidad ng pamilihan.