Top 3 Most Wanted Person ng Calatagan Batangas, arestado

Arestado ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person Municipal level sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Biga, Calatagan, Batangas.

Nakilala ng Calatagan MPS ang suspek na si Jun Gomez y Abiad, 37 anyos, isang welder, at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Base sa ulat, ang suspek ay wanted sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa bisa ng warrant of arrest ay isinagawa ng Calatagan MPS sa tulong mg PDEA-4A ang pag-aresto sa naturang suspek sa nasabing lugar.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Nabatid naman na noong August 23,2021 lamang ito sinampahan ng kaso.

Sa ngayon, nakakulong na sa naturang himpilan ang suspek at inaasahang haharapan ang kasong isinampa laban sa kanya.