Top 1 Most wanted mula Mindanao, arestado sa Tanauan City, Batangas

TANAUAN – Arestado ang isang 24-anyos na lalaking itinuturing na Top 1 Most Wanted Person Provincial level sa ikinasang operasyon sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Romy Dakias y Dayao, isang security guard, tubong Sitio Bangkong, Brgy. Bugso, Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat at residente ngayon ng  of Sitio Dayapan Brgy Bilog Bilog, Tanauan City.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ayon sa Tanauan CPS, ang suspek ay nahaharap sa kasong 2 counts of Statutory Rape.

Naganap umano ang insidente noong Agosto 2019 sa Sultan Kudarat kung saan inireklamo ito ng biktimang babae.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa kanya ng pinagsanib na puwersa ng Senator Ninoy Aquino PNP at Tanauan CPS ay tuluyang naaresto ang suspek.

Nakadetina na ang naturang suspek