7 market vendor ng Tabaco City Public Market pinagmulta matapos mahuling di nagsusuot ng facemask

LEGAZPI-Aabot sa 7 katao ang nabigyan ng citation ticket ng Tabaco City Police Station matapos makitaan ng bayolasyon sa Covid-19 Minimum Public Health and safety Protocols sa sinagawang malawakang inspection sa Public Market ng lungsod ng Tabaco lalawigan ng Albay.

Sa pangunguna ni PLT Ruben B. Velasco, CPAC Commander ng Community Precint Assistance Center 1, kasama sa na- ticketan an nagtitinda sa meat shop, burger stand, at dried fish section.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Nahuli mismo ang mga ito na walang soot na facemask habang nagtitinda.

Dahil dito, ang mga nasabing persona ang magmumulta ng 1 thousand pesos.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Kung babalikan ito pa rin ay alinsunod sa direktiba ng lokal na gobyerno ng nasabing lungsod.

Nanawagan na lamang ngayon ang Tabaco City Police Station sa mga residente na laging sumunod sa health protocols para di tamaan ng sakit na corona virus disease.