Usap-usapan ngayon ang umano’y P120-M na ibinayad umano ng kampo ni Bongbong Marcos Jr., sa TV host na si Toni Gonzaga, para sa kanyang pag-endorso sa presidentiable bet at ng kanyang buong slate.
Ang naturang halaga ay lumutang sa group chat ng network insiders, na sinasabing sapat para talikuran nito ang career sa showbiz.
Sinasabi rin na isa ito sa mga dahilan kung bakit, nagbitiw si Toni mula sa kanyang hosting chores sa isang reality show.

Ayon pa sa report, ang P120 million ay talent fee lang ni Gonzaga para sa tatlong buwang kampanya, kabilang na ang mga provincial sorties, at iba pa umano ito sa ibinayad sa kanyang asawang si Paul Soriano, na direktor sa mga advertisements ni Marcos.
Mababatid na si Marcos ay isa sa mga ninong sa kasal ng mag-asawa.