Nakatakdang magsagawa ang Philippine Swimming Inc. (PSI) ng national team tryout, para malaman kung sinu ang magiging kinatawan ng bansa sa nalalapit na Vietnam Southeast Asian Games sa May 2022 at iba pang future competitions.
Ayon sa swimming body, isasagawa nila ang 2022 PSI National Open (PNO) mula February 25 hanggang 27 sa Rizal Memorial Sports Complex swimming pool.
Dagdag ng PSI, ang kompetisyon ay mahigpit na gagawin sa ilalim ng full bubble format, para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Matatandaan na noong nakaraang Oktubre, nagsagawa ang PSI ng national team selection bubble sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac, kung saan ang mga napili aplikante ang kumatawan sa 15th FINA World Swimming Championships 2021 noong Disyembre at 19th FINA World Championships noong Mayo.