Tone-toneladang isda nahuli sa bayan ng San Vicente, Palawan

Hindi magkamayaw ang mga residente sa Sitio Panindigan San Vicente, Palawan ng dumaong Kahapon ang dalawang bangkang pangisda karga ang mga tone-toneladang isda na nahuli nito.

Ayon kay Arnel Padul isa sa may-ari ng bangka, alas 9:00 ng umaga ng masakote ang grupo ng mga isda sa karagatang sakop ng San Vicente.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Hindi nila umano inaasahan na ganun karami ang mga isda na tinatayang nasa sampung (10) tonelada.

Apat na malalaking bangka ang nagtulong-tulong upang makarga ang mga isda.

Alas 2:00 ng hapon ng dumaong ang dalawang bangka sa lugar at hindi na mabilang ang residente na humihingi ng isda na umakyat pa sa mga bangka.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kwento pa ni Arnel na niradyo na nila agad ang dalawang natitirang bangka na wag munang dumaong dahil sa dami ng mga tao at pinili na dumaong nalang muna sa ibang lugar.

Dagdag nito umabot sa hanggang gabi ang Kanilang pamamahagi sa mga residente ng mga isdang mamsa at tulingan na may Kilo na 10-12 bawat isa.