Baril at mga bala, narekober sa bayan ng Brooke’s Point

Matagumpay ang ginawang “OPLAN MAASIN”  ng pinagsanib  pwersa ng awtoridad sa mga baranggay ng Calasaguen,  Maasin, Mambalot, Ipilan at Aribungus sa bayan ng Brookes Point Palawan.

Kaugnay nito ay narekober ng awtoridad ang baril at mga bala  sa Sitio. Kalatubog, Brgy. Maasin, Brookes Point, Palawan ganap na 10:35 ng umaga kahapon, ika-22 ng Nobyembre.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang mga ito ay isang (1) Armscor 12 Gauge Shotgun, limang (5) 12 gauge ammunition, at  (1) Manual Bar Cutter (Color apple green).

Ito ay ang resulta ng masigasig na Major Combat operation ng 1st Palawan “OPLAN MISSION”  Provincial Mobile Force Company (PPMFC kasama ang  PALPIU, Brookes MPS, PIT Palawan, RIU4B, 3rdMBDE, MBLT-4 at sa buong suporta ng  KADRE  Palawan simula November 21- November 26 o “Oplan Mission”.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, isang alyas “Ka Nonoy, na dating rebelde ngunit  sumuko sa 1st PPMFC, Palawan PPO  ay nakipagtulongan sa pulisya upang marekober ang mga armas sa lugar.