Isa patay sa aksidente sa bayan ng Roxas

Patay ang isang John Lenon Jusos Arevalo, 18 anyos , residente ng Brgy. Mandaragat sa Puerto Princesa matapos maaksidente ang minamanehong pick-up (Private Utility Vehicle Nissan Navara).

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, nangyari ang aksidente sa Diversion Road ng Purok Pag-asa, National Highway, Brgy. 4, Roxas, Palawan ganap na 2:30 ngayong hapon ng Martes.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Maliban kay John Lenon, sakay din ng pick-up si Lyra Joy D. Maligsay, 24 anyos.

Base sa imbestigasyon, nagmula sa bayan ng Taytay ang sasakyan papunta sa lungsod ng Puerto Princesa nang maaksidente ito sa Diversion road.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nagtamo si John Lenon ng matinding pinsala sa ulo habang ang kasama nito na si Lyra Joy ay nagtamo ng sugat sa katawan.

Samantala, dinala sa Roxas Medicare Hospital ang mga biktima.