Inanunsyo ng gobyerno ng Tokyo na bumaba ang bilang ng bagong kaso nito ng COVID-19 sa 87.
Ito na ang pinakamababang naitala ng Tokyo simula pa noong November 2 ng nakaraang taon.

Mababatid na nag-peak ang mga kaso sa Tokyo sa mahigit 5,000 kada araw noong Agosto sa gitna ng paglaganap ng Delta variant.
Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang ay inalis na ng Japan ang state of emergency na ipinatupad dahil sa COVID-19, matapos ang anim na buwan.