PRRD, nilinaw na hindi niya hinaharangan ang imbestigasyon ng Senado sa Pharmally

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hinaharangan ang nagpapatuloy na Senate investigation kaugnay sa mga maanomalya umanong kasunduan ng gobyerno sa Pharmally.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang ayaw niya lang mangyari ay padaluhin ang mga miyembro ng Gabinete sa probe habang sila ay naghahanap ng paraan para wakasan na ang pandemya sa bansa.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech
Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Ipinunto ng Pangulo na nag-isyu na ito ng memorandum.

Iginiit niya na hindi siya makakapayag na mabastos ng tuluyan ang mga resource persons na dumadalo sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.