T’nalak Photo, Vlog Contest isasagawa

KORONADAL CITY – MAGSASAGAWA ang provincial government ng South Cotabato ang 3rd RST Photo and Vlog Contest na bahagi ng 58th Foundation Anniversary at 25th T’nalak Festival. Ito ay bukas sa lahat ng mga photographers, vloggers at enthusiasts na may edad 18 anyos pataas.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Subject ng photo and vlog contest ang mga highlights ng T’nalak Festival events. Ang mananalo sa Photo Contest ay makakatanggap ng premyong P 10,000 sa 1st place, P 8,000 sa 2nd place at P 6,000 sa 3rd place habang 10 naman ang makakatanggap ng consolation prize na P 2,000.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa Vlog contest naman, ang mananalo ay makakatanggap ng P 15,000, P 12,000 sa 2nd place, P 10,000 sa 3rd place at 10 ang makakatanggap ng consolation prize na P 3,000. Ang T’nalak Festival ay magsisimula sa July 10 hanggang July 18.