Epekto ng Q- Fever sa tao, pag-aaralan din ng Muslim Affairs Office

NAGA CITY- Pag-aaralan ng Muslim Affairs Office sa Naga City  ang lahat ng impormasyon ukol sa Query Fever o Q-Fever  matapos na makapagtala ang Pilipinas ng kauna-unahang kaso ng nito sa Marinduque batay sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Ang sakit ay karaniwang makikita sa mga alagang hayop tulad ng baka, tupa at kambing na maaaring maisalin sa mga taong laging expose rito; karne ng kambig ang karaniwang kinakain ng mga Muslim kung may mga handaan at iba pang mahahalagang okasyon.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan pati panggiginaw ang maramdaman ng nahawaan,  pero ayon sa Department of Health (DOH) pinag-aaralan pa nila ito ng maiigi.  Ayon naman kay BAI National Veterinary Quarantine Services Division Officer-in-charge Dr. Christian Daquigan ligtas pa naman kainin ang naturang mga hayop basta naluto ng mabuti.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Muslim Affairs Office Head Mike Mustapha, bumibili sila ng naturang mga hayop sa loob lamang ng Bicol region, hindi rin sila mahilig kumain ng mga itinitinda, gayunpaman aalalim ang sakit upang makaiwas.