T’nalak Bahay Kubo at product display competition, nagsimula na

KORONADAL CITY- TANGKILIKIN at suportahan ang mga produkto na ibinebenta ng mga local government units o LGU na nakadisplay sa mga Bahay Kubo sa Rizal Park ng Koronadal City na bahagi ng pagdiriwang ng ika-56 na Foundation Anniversary at ika-23 na T’nalak Festival.

Ito ang panawagan ng pamunuan ng Provincial Agricultures Office sa publiko matapos na nagsimula na ang Bahay Kubo and Product Display Competition na isa sa mga highlights ng kapistahan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tampok sa Bahay Kubo ang top 5 commodities at mga produkto ng mga LGUs at kanya-kanya din ang mga ito sa pagpapaganda at pagdesinyo sa kanilang mga kubo.

Kahapon, isinagawa ang 1st judging ng Bahay Kubo competition habang sa July 18 naman ang final judging at announcement of winners kung saan may ibibigay na tig-isang lechon ang Provincial Agricultures Office sa bawat LGU bilang pasasalamat sa mga ito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang mananalo sa Bahay Kubo competition ay makakatanggap ng P 120,000 na premyo.