Comelec T’Boli magsasagawa ng satellite voters registration

KORONADAL CITY- MAGSASAGAWA ng satellite registration ang Commission on Elections o COMELEC sa bayan ng T’Boli.

Layon nito na marehistro ang mga residente at maipaabot ang mga serbisyo ng Comelec sa mga malalayong barangay.

Ang mga sumusunod ay ang schedule ng satellite registration: Brgy. Mongocayo at Brgy. Basag sa July 12; Brgy. Edwards at Brgy. Sinolon sa July 13; Brgy. Maan sa July 14; Brgy. Afus at Brgy. Desawo sa July 15; Brgy. Laconon sa July 16; Brgy. New Dumangas sa July 18; Brgy. Datal Dlanag sa July 19; Brgy. Kematu sa July 20; Brgy. Tudok at Brgy. Salacafe sa July 21; at sa July 22 at 23 sa Brgy. Poblacion.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Hinihikayat naman ng COMELEC T’Boli ang mga residente na magparehistro ng mas maaga at huwag nang hintayin pa ang deadline upang maiwasan ang mahabang pila at pagdagsa ng mga magpaparehistro.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay magtatagal hanggang sa July 23. Bukas ang mga Comelec offices Lunes hanggang Sabado at holidays, simula alas- 8 ng umaga hanggang alas-5 sa hapon.

Magpoproseso ang Comelec ng new registrations, reactivation at transfer o correction of entry.