Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Education sa Palawan kaugnay sa reklamo sa isang guro sa bayan ng Narra Palawan.
Ayon kay Public Information Officer Dep ED Ms. Mylyn Dilig, iimbestigahan ng Division Office ang reklamo ng magulang ng isang Grade 6 Pupil na mabagal magbasa.
Magiging patas ang Kagawaran ng Edukasyon sa pag-iimbestiga sa kasong ito, ayon pa kay Ms. Dilig.
Kahapon, September 12, 2022 ay nagkaharap ang mga magulang at nagkaroon na umano ng pag-aayos, ayon sa School Head.
Ang reklamo laban kay Teacher Eduardo David ng Tacras Elementary School ay hindi umano pangkaraniwang pangyayari sa lalawigan, dagdag ni Dilig.
Kaugnay nito, hiniling ni Ms. Dilig sa mga guro na dagdagan pa ang pasensya at sa halip ay kausapin ang magulang ng mga bata kung mayroong problema.
Samantala, kakausapin rin ng Kagawaran ang Grade 6 pupil at ang magulang nito.