LEGAZPI CITY – Magiging masaya na muli ang mga Legazpeño sa nalalapit na kafiestahan ng Legazpi Port District sa buwan ng Oktobre.
Umaasa si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na sa buwan ng Oktubre, kafiestahan sa nasabing lunsod ay magkakaroon ng iba’t ibang mga aktbidad.
Kabilang sa mga ibabalik na aktibidad ay ang civic and military parade kung saan halos dalawang taon nang natigil dahil sa pandemya.
Kompyansa ang lokal na pamahalaan na hindi na tataas pa ang kaso ng COVID sa lunsod dahil sa hindi na lumalagpas sa mahigit 10 ang mga kaso at pailan-ilan na lamang ito. Sinabi pa ng opisyal, pinaghahandaan na sa ngayon ng City LGU ang paparating na Legazpi Port District fiesta sa susunod na buwan