SORSOGON CITY – Ipinagmalaki ng miyembro ng Masbate tri-media ang kanilang kababayan at dating kasamahan sa trabaho na kamakailan ay hinirang bilang isa sa mga bagong regional director ng Dept of Social Welfare and Development.
Si Norman Laurio na isang columnist ng Remate tabloid at broadcaster ng DYME Masbate ay pormal nang nanumpa bilang Regl Director ng DSWD-Bicol.
Kahapon, Setyembre 12 ay nanungkulan na ito bilang regional director, at bago ito; personal na binisita nito ang ginawang distribusyon ng Educational Assistance noong Sabado, Setyembre 10, sa Sorsogon Provincial Gymnasium upang tingnan ang kalagayan ng pay-out sa mga beneficiaries.
Pinasalamatan din nito ang Provl LGU sa ibinigay na logistic support katulad ng pagpapagamit ng laptops at desktop computers, manpower at snacks.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot nito sa mga benepisyaryo na ang ayuda ay isa lamang sa paraan ng naturang ahensya upang maipadama sa mga studennts in crisis ang maagap na tulong ng pamahalaan.
