Time limit sa bawat botante, inaaral na ng Comelec

Bukas ang Commission on Elections sa suhestiyon na bigyan ng time limit ang mga botante sa bawat polling place sa Mayo a-nueve.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na magandang ikonsidera ang suggestion ng Department of Health pero wala naman aniya talaga kasing oras na ibinibigay sa bawat botante kung gaano kabilis o katagal ang pag-cast ng boto.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Kinumpirma ni Garcia na makikipag-ugnayan sila sa DOH para sa suhestiyon ng departamento na mga protocol sa halalan.

Maliban dito, nilinaw din ni Garcia na walang dapat ipag-alala ang mga may mararamdaman sa araw ng halalan dahil mayroong nakahandang isolation polling precinct .

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Giit ni Garcia, agad na sasamahan sa mga nakalaang polling precinct ang sinumang magpapakita ng simtomas ng COVID-`9 sa mismong araw ng halalan. #//(LEO NAVARRO-MALICDEM)