Mahigpit na binabantaya ng militar sa Sulu ang tatlong bayan sa naturang probinsya ngayong araw para sa May 9 national at local elections, dahil sa kasaysayan ng naturang mga lugar sa election-related violence sa mga nakaraang halalan.
Kaugnay nito, pinangalanan ni Joint Task Force Sulu (JTFS) commander Brig. Gen. Ignatius Patrimonio, ang naturang mga bayan na Parang, Omar, at Lugus, na tatlo mula sa 19 na mga bayan na tinukoy bilang areas of concern.
Sa ngayon, tahimok pa ang sitwasyon sa lugar, at all systems go narin umano ang lahat para sa botohan.

Inaasahan naman nila ang maayos at payapang halalan sa naturang mga bayan, dahil ang mga kandidato ay tumatakbong walang kalaban.
Matatandaan na noong 2019 elections, naitala ang election-related violence sa bayan ng Panglima Estino, kung saan nagbarilan ang magkalabang kandidato na nagresulta ng ilang casualties. //MHEL PACIA-TRINIDAD