Magsisilbi bilang mga miyembro ng Electoral Board (EB) sa Cotabato city, ang mga pulis sa halip na mga guro. sa gitna ng intense political rivalry.
Ayon kay Brig. Gen. Pablo Labra II, deputy regional director for administration ng PNP sa Bngsamoro region, na 500 police personnel ang sinanay para naturang trabaho ang magsisilbi bilang mga election officials.
Partikular na gagawin ng naturang mga police personnel ay magsisilbi bilang chairman ng bawat EB, mangangasiwa sa operasyon ng vote-counting machines (VCMS) sa mahigit 100 clustered precincts ng lungsod.

Sinabi ni Labra, na siya ring head ng Regional Special Operation Task Group Cotabato City at Maguindanao, na ang naturang desisyon ay matapos ang kasunduan sa pagitan ng kampo ng reelectionist Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, at katungaling si Bruce Matabalao ng United Bangsamoro Justice Party, at ng Comelec.
Nag-ugat ito nang may mangyaring komosyon sa harap ng Comelec regional office nang magsagutan at sigawan ang mga tagasuporta ng dalawang panig, habang isinasagawa ng Comelec ang final testing at sealing ng VCMs noong Sabado. //MHEL PACIA-TRINIDAD