9 sugatan sa magkahiwalay na mga pagsabog sa 2 bayan sa Maguindanao

Sugatan ang siyam katao sa pitong magkahiwalay na pagsabog sa bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak, Maguindanao kagabi.

Ayon kay PNP Maguindanao Provincial Director, Police Colonel Jibin Bongcayao, limang pagsabog mula sa grenade launcher ang yumanig sa loob ng municipal hall compound ng Datu Unsay Maguindanao kung saan siyam ang sugatan.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Dagdag ni Bongcayao, may mga constituents ng Datu Unsay sa loob ng compound na galing sa malalayong barangay na piniling doon na maghintay para sa pagboto ngayong araw.

Matapos naman ang ilang minuto, may dalawang pagsabog din ang yumanig sa bayan naman ng Shariff Aguak, Maguindanao, na mula sa dalawang lalaki na naghagis ng granada sa national highway ng bayan, pero maswerteng walang nasawi o nasaktan sa insidente.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Naniniwala naman ang opisyal na ang naturang mga pangyayari ay isa lang panggugulo sa panig ng armadong grupo. //MHEL PACIA-TRINIDAD