Ibinasura ng Court of Appeal ang temporary protection order ng RTC Branch 15 sa Davao City para sa Kingdom of Jesus Christ.

Ayon sa PNP, pagkumpirma ito na walang kinalaman ang naturang utos sa pagpapatupad ng warrant of arrest ng PNP laban kay Quiboloy.
Sinabi ng abogado ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon natanggap na nila ang utos ng Court of Appeals.
Giit niya hindi sila hiningian ng komento tungkol dito.
Maghahain aniya ang KOJC ng motion for reconsideration sa CA.