Nagpapatuloy ang pagbibigay serbisyo ng telemedicine program ng Cagayan Valley Medical Center.
Unang inilunsad ito noong June 2021 na naglalayong matulungan ang mga pasyente na mabigyan ng libreng konsultasyon sa pamamagitan ng digital platform.
Maaring magpakosulta rito ang mga pasyenteng dati nang nanggaling sa hospital katulad ng mga COVID-19 patients o kahit na sinong may nais ipakonsulta at hindi makapunta sa ospital.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pinuri ni CVMC Chief Dr. Glenn Mathew magandang kinalabasan nito kung saan maraming mga pasyente ang nakinabang sa naturang programa.
Aniya, nabigyan ng serbisyong medikal ang mga pasyente na hindi makapunta sa ospital dahil sa mahigpit na restrictions at hirap sa transportasyon.
Kinumpirma pa ni Dr. Baggao na kinukunsidera nila na magdeploy ng karagdagang tauhan sa telemedicine upang magbigay ng serbisyo kahit na sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Sa ngayon kasi aniya ay tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes lamang bukas ang Telemedicine.
Sa pamamagitan umano nito ay mas maraming pasyente ang mabibigyan ng libreng online consultation.