Kauna-unahang face-to-face job and trade fair ng DOLE region 2, isasagawa sa dec.8; job openings, umabot ng 639

Isasagawa na bukas, December 8, 2021 sa Integrated Terminal Complex, Malvar, Santiago City ang kauna-unahang face-to-face Job and Trade Fair ng DOLE Regional Office 2 simula nang magkaroon ng pandemya kung saan nasa 639 na trabaho ang iaalok sa mga job seekers.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng 88th anniversary ng Department of Labor and Employment Regional Office 2.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DOLE Region 2 Information Officer Chester Trinidad, nasa 639 na trabaho sa lokal at ibang bansa ang available kung saan umabot na sa 12 na mga employers ang makikilahok sa nasabing job fair.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pinaalalahanan naman niya ang mga aplikante na siguraduhing kumpleto ang mga requirement na kinabibilangan ng resume/curriculum vitae, application letter, photocopy ng transcript of record, diploma at certificates.

Dagdag pa ni IO Trinidad, maaari rin silang magpre-register sa link ng DOLE ( https://docs.google.com/…/1FAIpQLScmglF9YwD…/viewform… ) upang mapabilis ang pagmatch at pagproseso ng mga employers ng kanilang aplikasyon.

Magkakaroon din umano ng trade fair kung saan tampok ang mga lokal na produkto ng mga asosayon sa ilalim ng DOLE mula sa iba’t ibang probinsya sa Lambak ng Cagayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukod sa Job at trade fair ay mayroon rin aniyang one-stop-shop para sa serbisyong ibibigay ng iba pang ahensya na kinabibilangan ng NBI, PSA, BIR, SSS, PAG-IBIG, Philhealth, PRC, Philippine Postal Corporation, DFA, DTI at POEA.

Inihayag pa ni IO Trinidad na hindi man palarin ang ibang job seekers ay maaari naman silang irefer sa ibang agencies tulad ng TESDA at DTI upang mabigyan ng livelihood assistance at mga pagsasanay.

Tiniyak naman niya na masusunod ang minimum public health standards sa nasabing aktibidad dahil mayroon naman umanong koordinasyon ang ahensya sa DOH at LGU-Santiago City