Teen-star na si Awra, inaresto matapos masangkot sa gulo sa isang bar sa

TRENDING ngayon ang hashtag na #JusticeForAwra matapos masangkot ang teen-star na si Awra Briguella sa isang kontrobersiya at rambolan sa labas ng isang bar sa Makati nitong nagdaang araw.

 Viral ngayon ang isang video kung saan makikita na kasama si Awra sa rambulan na naganap sa Poblacion Makati kalakip nito ang pagpigil at pagdakip ng mga otoridad sa artista.

Batay sa ulat, hinipuan umano ang isa sa mga kaibigan ng teen star at kinompronta ni Awra ang lalaki at doon na nagsimula ang komosyon.

Samantala, naglabas naman ng kani-kanilang opinyon at pahayag ang mga kaibigan ni Awra kaugnay sa umano’y tunay naganap sa nasabing insidente.

Umani naman ng pambabatikos ang mga pulis sa publiko dahil sa bastang pag aresto ng mga ito sa artista nang hindi inaalam ang tunay na pangyayari.### JONADEL GALLEGO, Intern