Team USA, tinambakan ang Greece sa FIBA

Nakumpleto na ng Team USA ang kinakailangan hakbang upang makadaos sa ikalawang round ng FIBA World Cup.

Ito’y matapos matambakan ng mga Amerikano ang Greece sa laban nito kagabi, na may final score na 109-81.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Nagtapos si Austin Reaves na may team-high na 15 puntos at anim na assist, habang sina Anthony Edwards at Jalen Brunson ay umiskor ng tig-13 puntos.

Read More:  TNT Tropang 5G dominate Macau in 55-Point Governors’ Cup rout

Sa ngayon, nakapagtala ng 2-0 sa tournament ang Team USA at makakaharap ang nangungunang dalawang koponan mula sa Group D, ang Montenegro at Lithuania.