Team Filipinas, nakamit ang tagumpay sa FIFA World Cup

Wagi ang Team Filipinas sa Group A soccer match sa FIFA Women’s World Cup, laban sa co-host country na New Zealand.

Naka-score sila ng goal, 24 minutos pa lamang ang nakakalipas nang magsimula ang laro.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa World Cup, mapa-men’s o women’s division.

Ayon kay midfielder Sara Eggesvik, hindi sila makapaniwala sa kanilang nakamit, at nagpapatunay lamang ito na kaya nilang makipagsabayan sa mga international team sa kabila ng mga pagkwestiyon sa mga manlalaro.

Sinabi naman ni Head Coach Alen Stajcic, gumuwa ang buong team ng sarili nilang swerte kaya naging emosyonal silang lahat nang makamit ang unang tagumpay para sa Pilipinas.

Credits from: Philippine Women’s National Football Team Facebook Page